Lunes, Setyembre 12, 2011

Panunungkulan ni Pang. Ramon Magsaysay




Talambuhay


 Pagsilang: Agosto 31, 1907 sa Iba, Zambales
 Magulang: Exequel at Perfecta del Fiero
 Edukasyon: Jose Rizal College (Komersyo)
 Asawa: Luz Banzon
 Anak: Teresita, Milagros at Ramon Jr.
 Kamatayan: Marso 17, 1957 sa Mt. Manunggal, Cebu

                 Panunungkulang Pampubliko

Ø Military Governor ng Zambales matapos ang digmaan

Ø Kongresista ng Zambales
Ø Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng Administrasyong Quirino




Alam nyo ba?






  Si Pang. Magsaysay ang unang gumamit ng barong tagalog sa araw ng kanyang inagurasyon. Ipinatupad nya rin na gawing dress code ang pagsusuot ng barong tagalog sa lahat pormal na programa sa Malakanyang . Dahil dito, naging uso ang pagsusuot nito sa mga pormal na okasyon.




  Si Pang. Magsaysay ang una ( at tunay ) na pangulo mula sa angkan ng mahihirap. Ang kanyang ama ay isang panday at siya ay nagtrabaho bilang mekaniko sa isang talyer ng bus upang tustusan ang kanyang pag-aaral. Ito ang nagsilbing ispirasyon ng kuwentong Ang Panday bilang tagapagtanggol ng na-aapi.

  Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang pagsasalin ng ating Pambansang Awit sa wikang Filipino . Sa bisa ng Dept. Order No.5, s. 1956 noong ika-26 ng Mayo 1956 , ipinag-utos ang paggamit ng translation na gawa nina Idelfonso Santos at Julian Cruz Balmaceda at isinaayos ni Lt. Col. Antonio Buenaventura .


  Si Pang. Magsaysay ang unang gumamit ng guerilla campaigning . Ito ay ang paggamit ng mga artista, pag-awit at pagsasayaw, at pagpunta sa mga baryo tuwing nangangampanya. Ito ay karaniwan nang ginagawa ngayon tuwing may halalan.



    Mga Programa ng Administrasyong Magsaysay



Ø Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino
Ø Pagpapaunlad ng mga baryo
Ø Pagdinig sa mga karaingan ng mga tao
Ø Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa






Social Security Act





 Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Social Security System (SSS) noong Hunyo 18, 1954. Layunin nito na bigyan ng kapanatagan ang mga kawani sa pribadong sektor. Ilan sa mga pakinabang nito ang tulong sa pagpapagamot, pabahay, pautang at pensyon sa pagreretiro.



  
Tulong sa mga Magsasaka



Ø Sa ilalim ng Land Tenure Law , bibilhin ng pamahalaan ang mga malalaking hacienda upang maipamahagi sa mga magsasaka ng hulugan.


Ø Itinanatag din ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) at Farmer’s Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang matulungan ang mga magsasaka sa suliraning pinansiyal.


    Pagpapa-unlad sa mga Baryo




Ø Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang pagpapatayo ng mga poso at patubig upang mapabilis ang pag-unlad sa mga baryo.

Ø Naglunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong
 sistema ng pagsasaka at mga bagong uri ng
 binhi tulad ng Masagana.




    Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa





Ø Itinatag sa Maynila noong Sept. 8, 1954 ang Southeast Asia Treaty Organization (SEATO) . Ito ay samahan ng mga bansa na nagkasundong magtutulungan sa paglaban ng komunismo.


Ø Nilagdaan ng Japan at Pilipinas ang 
Reparation Agreement noong May 9, 1956 . Ito
 ay bilang kabayaran ng Japan sa pinsalang
 dulot ng digmaan.







    Presidential Complaints and Action Committee (PCAC)

       `      Ang PCAC ay nagbigay ng pagkakataon sa mga
 karaniwang tao upang mag-abot ng kanilang
 hinaing sa pangulo. Nagpunta din siya sa mga
 nayon upang makihalubilo sa mga karaniwang
 tao. Dahil dito, nakilala siya bilang Kampeon
 ng Masa .


Pagkamatay ni Pang. Magsaysay


  Matapos dumalo sa graduation ceremony sa Cebu, hindi na nakabalik ng Maynila si Pang. Magsaysay noong Marso 17, 1957 . Bumagsak ang eroplano ng pangulo, ang RP Mt. Pinatubo sa Mt. Manunggal, Cebu .


    Konklusyon:

 Labis ang naging pagluluksa ng mga Pilipino sa pagkamatay ng Kampeon ng Masa . Humalili sa kanya bilang pangulo ng bansa si Carlos P. Garcia.










3 komento: